Green tea
Kahapon, buong umagang sumakit ang puson ko. Mabuti na lamang at naimbento ang gamot kundi baka hindi kami nagkita ni betty. Tapos wala pang kasama nun si Patring kaya sinapak ko muna bago ako umalis at makipagkita kay bette. Hehe.. Sama... Nagkita kami sa starbucks at dun na rin tumambay at nagkwentuhan.
Natutuwa naman ako para kay sa kanya, seryoso. Magaaral na kasi siya ulit, galing diba? Kaya yun! yeee! Go Betty! At syempre, maganda rin naman sa pakiramdam na kahit paano sa loob ng buong weekdays ay may makausap kang ibang tao, hindi yung puro na lang sarili ko, si quin at yun nga si bette. Input din yun eh.
Nakaka-empower ang mga tulad niyang babae. Hindi natitinag sa pambabalya ng pagsubok at kayang makipagsabayan sa panahon. Isang babaeng parang lalaki. In short, bading. hehe...
***
So yun, kanina naman ang aga aga nagsagutan na kami ng kuya ko. Pinaramdam ko sa kanya ang ipinaramdam niya sa akin na wala akong silbi. Eh di nakita niya hinahanap niya. Sabi ko, wala ka nang pwedeng ipagmayabang sakin dahil pareho na tayong palamunin dito ngayon. Madaling makalimot talaga ang mga tao, nakatikim lang ng konting pera. Naiiinis ako sa mga taong feeling mas mataas na sila sa iba, nagkaroon lang ng KONTI. Kung makasumbat eh akala mo napakagaling na nila. Kapag nag utak sa utak naman kayo, di naman makasabay. Pero ang buhay nga naman ng tao... Umiikot sa pera, kahit matalino ka, kahit wala kang pera basura ka pa rin. Pero kahit may pera ka, wala ka namang utak. Mas basura ka para sa akin, hindi lang basta basura, basurang nilalangaw at nabubulok ang loob.